Thursday, December 31, 2015
NEW YEAR's COUNTDOWN
Huling araw ng year 2015. Ito rin ang huling araw na may pera ang mga ordinaryong Pilipino. karamihan ay may mga utang pagdating ng bagong taon. bakit madaming tao ang handang mangutang para lang may maihanda sa mga okasyong nakagisnan natin? pero di bale, buhay nila iyon at buhay ko ito. sa part ko kasi, hinding hindi ako mangungutang para lang may maihanda at maibigay na mga regalo. hinding hindi ko gagamitin ang savings ko para lang sa mga okasyon na lagi nating isini silebreyt. may paraan kasi para gawin yun. may paraan kung marunong ka mag plano. ito ung paraan na hindi mo kailangan isakripisyo ang savings mo para sa future mo at hindi mo kailangan mangutang nang wala lang. dahil kahit ano ang ikatwiran mo sa akin, ang utang ay masama kapag ginamit mo lang sa gastos o gusto. ang utang ay maganda kung gagamitin mo sa busines o investment. at ang paghahanda sa isang okasyon ay isang gastos na dapat pinag lalaanan sa simula pa lang. ito ang tinatawag na effective budgeting.
Ito din ang huling araw ng mga pagkakamali na nagawa natin sa year 2015. ang sarap sana kung ang mga nabago natin sa nagdaang taon ay nakatulong sa gusto nating FINANCIAL FREEDOM at TIME FREEDOM. eh di pagdating sana nang bagong taon ay masaya pa din tayo dahil hindi tayo naubusan ng pera. Sa pagsisimula nang 2016, january 4 palang babalik na lahat sa normal. trabaho, trapik at mga bagong gastusin. kapag hindi ka uli nag plano sa umpisa palang, ganon uli ang mangyayari pagdating ng christmas 2016.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment