Thursday, December 31, 2015
NEW YEAR's COUNTDOWN
Huling araw ng year 2015. Ito rin ang huling araw na may pera ang mga ordinaryong Pilipino. karamihan ay may mga utang pagdating ng bagong taon. bakit madaming tao ang handang mangutang para lang may maihanda sa mga okasyong nakagisnan natin? pero di bale, buhay nila iyon at buhay ko ito. sa part ko kasi, hinding hindi ako mangungutang para lang may maihanda at maibigay na mga regalo. hinding hindi ko gagamitin ang savings ko para lang sa mga okasyon na lagi nating isini silebreyt. may paraan kasi para gawin yun. may paraan kung marunong ka mag plano. ito ung paraan na hindi mo kailangan isakripisyo ang savings mo para sa future mo at hindi mo kailangan mangutang nang wala lang. dahil kahit ano ang ikatwiran mo sa akin, ang utang ay masama kapag ginamit mo lang sa gastos o gusto. ang utang ay maganda kung gagamitin mo sa busines o investment. at ang paghahanda sa isang okasyon ay isang gastos na dapat pinag lalaanan sa simula pa lang. ito ang tinatawag na effective budgeting.
Ito din ang huling araw ng mga pagkakamali na nagawa natin sa year 2015. ang sarap sana kung ang mga nabago natin sa nagdaang taon ay nakatulong sa gusto nating FINANCIAL FREEDOM at TIME FREEDOM. eh di pagdating sana nang bagong taon ay masaya pa din tayo dahil hindi tayo naubusan ng pera. Sa pagsisimula nang 2016, january 4 palang babalik na lahat sa normal. trabaho, trapik at mga bagong gastusin. kapag hindi ka uli nag plano sa umpisa palang, ganon uli ang mangyayari pagdating ng christmas 2016.
Wednesday, December 30, 2015
NEW YEARS RESOLUTION
hay naku! isang araw nalang at tapos na naman ang year 2015. maraming nabago kahit papano. iyon nga lang, hindi mo alam kung for the better or for the worse ba ito. kahit alam mo ang sagot, mahirap pa din tanggapin. ang tanging magagawa mo ay mag plano na naman para subukang gawin uli ang mga resolution mo sa nag daang taon. sadyang napa kahirap kalabanin ang sarili! OUR WORST ENEMY IS OURSELVES. pero sarili din natin ang best friend nang ating mga sarili. so LIFE is what we really make it.
i was in a sick bed last year.so sa higaan lang ako nag pasko at nag new year that time. ngayon am so thankful that am in a good health for this occasion. pero malungkot pa din dahil wala akong naibigay na mga regalo sa mga pamangkin ko at hindi ako nakipag kita sa mga kababayan ko na nag i invite usually sa mga ganitong okasyon. sa madaling salita ay nagtago ako! hehehe..this time kasi ay nauna ang laptop ko for my new business. Yes, business. seryoso na to promise! ayoko na eh. pagod na ako sa opisina, sa trapik araw araw at higit sa lahat ay sa mayabang kong boss!

Subscribe to:
Comments (Atom)